Tuesday, November 17, 2009

TISSUE PAPER

Sinisipon ako.Nasaan na nga ba ang tisyu?Ay!Huwag na lang..Isisinga ko na lang ito sa panyo na ginamit ko kanina nang ako ay pumasok (na puno na rin ng sipon at hahahanapin ko pa sa labahan >laughs< ). Hmmm...bakit? Well, ayokong maging guarantor para lumala pa ang garbage pollution sa Pilipinas at maging contributor sa "Global Warming'.

Mas madali ang paglalaba sa may sipong panyo, face towel o bimpo kaysa pagpulutin ka ng mga tisyung may mantsa ng nakakarimarin na "slimmy stuff" na ito. Mas madaling mag-evaporate ang liquid part nito at ang tubig na ginamit sa paglalaba kaysa sa maduming manipis na papel na umaabot ng ilan pang taon para matunaw sa Eart's surface. Mas nakakawalang gana rin namang magsinga sa tisyung walang "tatak", hindi ba?

Kaya kung sa kaling may sipon kayo, magsinga na lang kayo sa pinaghubaran nyo na damit. Kayo ang maglaba. Huwag ang mga motherness ninyo dahil siguradong susumbatan nila kayo na may tisyu naman na nakakadumi sa kapaligiran. :]

SAAN PATUNGO ANG LANGAYLANGAYAN?

SAAN PATUNGO ANG MGA LANGAYLANGAYAN?
ni B.S. Medina Jr.

(Isang Reaksyon)


Maraming luho ang tao na humahadlang upang siya ay maging maka-Diyos o maalala man lang na siya ay nilikha lamang ng Nag-iisa. Nakakagawa ng mga kasalanang hindi dapat isagawa kung nasunod lang sana ang sagradong utos sa Paraiso. Ano nga naman at bakit hindi ito nasunod? Hindi pa ba sapat ang napakarangyang pamumuhay na ipinagkaloob sa kanila noon at kailangan pang kainin ang prutas ng kasalanan at palaganapin ito?

Marahil sa pagitan ng mga “tik-tak” na iyon nagsimula ang makamundong mga bagay. Sa bagay na hindi naman talaga kailangan sa katawan at pamumuhay ng taong ang nais lang naman ay lumaya. Lumaya kung saan? Sa kanyang sarili mismo, ayon nga sa nagsasalita sa akda. Lumipas man na ang panahon, ang kasalanang nagawa ay nananatili pa rin sa mundo. Sa mga kaapu-apuhan niya-sa lahat kasama na tayo.

Hindi pa huli ang lahat upang lumaya rin tayo. Hindi pa huli upang sundan ang mga langalangayang umiindak sa ere. Hindi pa huli upang talikdan ang mga hadlang na yaon. Maaari pa tayong lumaya sa ating sariling kasakiman at kamunduhan. Paano nga ba? Sa bawat isa sa atin ay may natatagong kasagutan. Sa bawat isa sa atin ay may natatagong kakayahan upang gawin ang nararapat na hakbang upang ang isang simpleng blankong papel ay magkaroon ng saysay. Hindi dapat basta gawing bangkang papel o isang eroplano. Tayo mismo ang lumipad at gamutin ang sarili. Matagal man natin tignan ang sarli sa salamin ay hindi natin maaaninag ang sinag ng kalayaang ating ninanais o ang pagbabagong ating nais makamtan.

Ngayon naisip ko na kung saan tutungo ang isang langaylangayang tulad ko. Ikaw…saan ka na tutungo?

SA LUPA NG SARILING BAYAN

SA LUPA NG SARILING BAYAN
ni Rogelio Sikat

(Isang Reaksyon)

Marahil napakasakit nang dinanas na paghihirap at paghihinagpis ni Layo. At mapapatunayan ito sa kanyang mga inasal matapos ang napakatagal na panahong nalayo siya sa Bayan ng San Roque.

Labis na pagkangulila sa kanyang mga magulang at pagkamuhi sa kanyang sariling bayan ang nag-udyok sa kanya upang ang kanyang sinilangang lupa ay layuan at kamuhian. Ni minsan hindi niya iyo nasilayan nang may ngiti sa kanyang mga labi at kislap sa kanyang mga mata. Gayundin ang kanyang inasal bagamat siya ay nag-asawa na at nagkaroon ng mga supling. Marahil, tunay na bumaon sa kanyang pagkatao ang dinulot na sakit sa kanyang damdamin ng walang malay na bayan niyang iyon sa kanya nang siya ay musmos pa.

Mahirap siya, ngunit nagsikap makatapos. Naging propesyunal na abogado at negosyante. Tunay na siya ay matagumpay na. Sa kabila noo, taas-noo pa rin niyang tinalikuran ang baying sa dugo niya unang nadiligan nang siya ay isinilang. Sa kanyang kasipagan, siya ay nagkasakit. Sino ang kumalinga sa kanya maliban sa kanyang asawang labis na nagmamahal? Ang sagot, ang kanyang mga kamag-anak at kaibigang taga-San Roque. Sila man rin ay hindi talaga nakalimot. Naroon pa rin sila sa kabila ng ginawa ni Layo na alam naman din nila ang dahilan ng kanyang pagakakaganoon.

Lumipas ang mga taon, isa na siyang malamig na bangkay. Ilang roos makalipas, ang kanyang katawan ay nasa San Roque na. Ang bayan na kanyang kinamumuhian. Gayunpaman, ang lahat ng galing sa abo ay babalik sa pagiging abo, ika nga ng mga matatanda. Naging matagumpay man siya at pinilit lumayo sa bayan na kanyang nais layuan dahil sa pighating idinulot nito sa kanya sa mahabang panahon, doon pa rin ang kanyang patutunguhan at patitigilan habambuhay.

Kahit anong gawin natin sa anumang bagay; takasan man natin ito, nakatadhana pa rin na rito tayo pakakatigil kalianman.