Tuesday, November 17, 2009

SA LUPA NG SARILING BAYAN

SA LUPA NG SARILING BAYAN
ni Rogelio Sikat

(Isang Reaksyon)

Marahil napakasakit nang dinanas na paghihirap at paghihinagpis ni Layo. At mapapatunayan ito sa kanyang mga inasal matapos ang napakatagal na panahong nalayo siya sa Bayan ng San Roque.

Labis na pagkangulila sa kanyang mga magulang at pagkamuhi sa kanyang sariling bayan ang nag-udyok sa kanya upang ang kanyang sinilangang lupa ay layuan at kamuhian. Ni minsan hindi niya iyo nasilayan nang may ngiti sa kanyang mga labi at kislap sa kanyang mga mata. Gayundin ang kanyang inasal bagamat siya ay nag-asawa na at nagkaroon ng mga supling. Marahil, tunay na bumaon sa kanyang pagkatao ang dinulot na sakit sa kanyang damdamin ng walang malay na bayan niyang iyon sa kanya nang siya ay musmos pa.

Mahirap siya, ngunit nagsikap makatapos. Naging propesyunal na abogado at negosyante. Tunay na siya ay matagumpay na. Sa kabila noo, taas-noo pa rin niyang tinalikuran ang baying sa dugo niya unang nadiligan nang siya ay isinilang. Sa kanyang kasipagan, siya ay nagkasakit. Sino ang kumalinga sa kanya maliban sa kanyang asawang labis na nagmamahal? Ang sagot, ang kanyang mga kamag-anak at kaibigang taga-San Roque. Sila man rin ay hindi talaga nakalimot. Naroon pa rin sila sa kabila ng ginawa ni Layo na alam naman din nila ang dahilan ng kanyang pagakakaganoon.

Lumipas ang mga taon, isa na siyang malamig na bangkay. Ilang roos makalipas, ang kanyang katawan ay nasa San Roque na. Ang bayan na kanyang kinamumuhian. Gayunpaman, ang lahat ng galing sa abo ay babalik sa pagiging abo, ika nga ng mga matatanda. Naging matagumpay man siya at pinilit lumayo sa bayan na kanyang nais layuan dahil sa pighating idinulot nito sa kanya sa mahabang panahon, doon pa rin ang kanyang patutunguhan at patitigilan habambuhay.

Kahit anong gawin natin sa anumang bagay; takasan man natin ito, nakatadhana pa rin na rito tayo pakakatigil kalianman.

1 comment: